IM title kinana ni Arca sa Vietnam meet
MANILA, Philippines — Pinagharian ni Filipino FIDE Master Christian Gian Karlo Arca ang 2025 Quang Ninh International Master Tournament sa Halong City, Vietnam.
Sumulong ng magkasunod na draws ang dating Philippine Sportswriters Association (PSA) awardee sa huling dalawang laban niya kina FM Tran Dang Minh Quang ng Vietnam (Rd.8) at IM Syah Farid Firman ng Indonesia (Rd.9) upang ilista ang anim na puntos at tuluyang angkinin ang korona.
Nakumpleto rin ni Arca ang pagsilo ng pangatlong International Master norm.
Subalit kailangan pa rin maghintay ang 16-anyos na si Arca sa FIDE General Assembly o FIDE Congress sa kanyang aplikasyon para sa IM title.
- Latest