Indiana nakaganti sa OKC sa Game 3

INDIANAPOLIS — Niresbakan ng Indiana Pacers ang Oklahoma City Thunder, 116-107, sa Game 3 para agawin ang 2-1 lead sa NBA Finals.
Bumanat si Benedict Mathurin ng 27 points mula sa bench para pangunahan ang Pacers na nakabangon mula sa naunang 107-123 kabiguan sa Thunder sa Game 2.
Nagposte si guard Tyrese Haliburton ng 22 points, 11 assists at 9 rebounds habang may 21 markers si Pascal Siakam.
“This is the kind of team that we are,” ani Indiana coach Rick Carlisle. “We need everybody to be ready. It’s not always going to be exactly the same guys that are stepping up with scoring and stuff like that. But this is how we’ve got to do it.”
Binanderahan ni Jalen Williams ang Oklahoma City sa kanyang 26 points at may 24 at 20 markers sina Shai Gilgeous-Alexander at Chet Holmgren, ayon sa pagkakasunod.
Muling lalaruin ang Game 4 sa Indianapolis kung saan hangad ng Pacers na maitayo ang malaking 3-1 lead sa kanilang best-of-seven championship series ng Thunder.
“We had a lot of good stretches of the game,” sabi ni OKC coach Mark Daigneault. “But they had more good stretches than we did — and outplayed us over the course of 48 minutes.”
Umiskor ang Indiana ng 32 points sa kabuuan ng fourth quarter sa likod nina Mathurin, Haliburton at Siakam.
“There’s a lot of areas we can clean up,” wika ni Holmgren sa inaasahang pagbawi ng Thunder sa Pacers sa Game 4. “Everybody who stepped out there can be better.”
- Latest