2-1 lead aagawin ng Pacers

INDIANAPOLIS -- Ipinakita ng Oklahoma City Thunder ang kanilang bounce-back capability sa Game 2.
Ito rin ang inaasahang gagawin ng Indiana Pacers sa Game 3 ng NBA Finals.
Nagtabla sa 1-1 sa kanilang best-of-seven championship series, pag-aagawan ng Indiana at Oklahoma City ang 2-1 lead sa kanilang duwelo ngayon sa tahanan ng Pacers na hindi pa natatalo ng dalawang sunod sa loob ng tatlong buwan.
“Biggest game of the year,” wika ni forward Pascal Siakam sa kanilang pagsagupa sa Thunder.
Ayon kay Indiana star guard Tyrese Haliburton, kailangan na nilang kalimutan ang 107-123 kabiguan sa OKC sa Game 2.
“I think that we try not to dwell on things,” ani Haliburton. “As NBA players, just as basketball players in general, it’s easy to make a mistake and dwell on it, give up a bucket or whatever. I feel like we do a great job of getting to the next play.”
Si Haliburton ang nagpanalo sa Pacers kontra sa Thunder, 111-110, sa Game 1.
Sa NBA Finals statistics, ang Game 3 winner sa serye ay 80.5 porsiyentong nagtutuloy sa pagkopo sa korona.
“I think we just have to keep finding ways to get better as a group,” sabi ni OKC guard at NBA MVP Shai Gilgeous-Alexander
Ibabalik sa Oklahoma City ang Game 4 at dadalhin ang Game 5 sa Indianapolis.
- Latest