Bonus target ng TNT, GSM
MANILA, Philippines — Mag-uunahan ang TNT Tropang 5G at Barangay Ginebra sa paglapit sa ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals ng PBA Season 49 Philippine Cup.
Saagupain ng Tropang 5G ang Gin Kings ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang ‘no bearing’ game ng mga talsik nang Blackwater Bossing at Terrafirma Dyip sa alas-5 ng hapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.
Nakuha na ng NLEX ang unang insentibo sa kanilang 8-2 baraha sa itaas ng San Miguel (6-2), Magnolia (7-3), TNT (6-3), Ginebra (6-3), Ran or Shine (6-3), Converge (6-4), nagdedepensang Meralco (6-5) at mga talsik nang Phoenix (3-7), NorthPort (1-8), Blackwater (1-8) at Terrafirma (1-9).
Ang Top Four teams matapos ang elimination round ang bibigyan ng ‘twice-to-beat’ bonus sa quarterfinals.
Malakas ang tsansa ng Tropang 5G lalo na at sumasakay sila sa isang six-game winning streak matapos ang 0-3 panimula sa torneo.
“All we’re asking for is a chance and now we have a chance. But we all know how difficult that road is going to be. We’ll see what happens,” sabi ni coach Chot Reyes sa TNT na nagmula sa 108-82 paggupo sa Terrafirma.
- Latest