^

PM Sports

Indiana umeskapo sa New York sa Game 1

Pang-masa
Indiana umeskapo sa New York sa Game 1
Lumipad si Obi Toppin ng Indiana Pacers para sa kanyang slam dunk laban kay Mitchell Robinson ng New York Knicks sa Game 1 ng Eastern Conference finals.

NEW YORK — Kumo­lekta si Tyrese Haliburton ng 31 points at 11 assists pa­ra gabayan ang Indiana Pacers sa 138-135 overtime win kontra sa Knicks sa Game 1 ng kanilang Eas­tern Conference finals series.

Nagdagdag si Aaron Nes­mith ng 30 markers tampok ang 8-for-9 shoo­ting sa three-point range para sa 1-0 lead ng Indiana sa kanilang best-of-seven showdown ng New York.

“It’s always special. It’s always fun,” sabi ni Nesmith. “This is what we live for.”

Bumangon ang Pacers mula sa isang 14-point de­ficit sa huling dalawang mi­nuto ng fourth quarter ga­ling sa magkakasunod na 3-pointers ni Nesmith.

Lamang ang Knicks sa 125-123, isinalpak ni Haliburton ang akala niyang game-winning triple para sa Pacers.

Subalit sa replay ay na­katapak sa linya si Halibur­ton at ito ay isa lamang 2-pointer na nagresulta sa 125-125 tabla para sa overtime period.

Ang basket ni Andrew Nembhard at dunk ni Obi Toppin huling 15.3 segun­do sa extra pe­riod ang nag­panalo sa In­diana.

Nagpaputok si Jalen Brun­son ng 43 points spara sa New York na nakahugot kay si Karl-Anthony Towns ng 35 points at 12 re­bounds.

“Give them a lot of credit. They closed the game out like they’ve been doing all playoffs,” wika ni Brunson sa Indiana. “Just not really good on our part.”

NBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with