Taiwan unang makakatapat ng Gilas
MANILA, Philippines — Sisimulan ng Gilas Pilipinas ang kampanya nito laban sa Chinese-Taipei sa 2025 FIBA Asia Cup na idaraos sa Agosto 5 hanggang 17 sa King Abdullash Sports City sa Jeddah, Saudi Arabia.
Naglabas na ng schedule ang FIBA Asia kung saan unang makakalaban ng Gilas Pilipinas ang Taiwanese squad sa Agosto 6.
Nagharap na ang Gilas Pilipinas at Chinese-Taipei sa FIBA Asia Cup qualifiers kung saan may 1-1 head-to-head ito.
Unang nanalo ang Gilas Pilipinas noong Pebrero 25, 2024 matapos itarak ng tropa ang 106-53 demolisyon kontra sa Chinese-Taipei sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Subalit malakas na lineup ang ipinarada ng Chinese-Taipei sa kanilang ikalawang paghaharap noong Pebrero 20, 2025 kung saan inilista nito ang 91-84 panalo laban sa Pinoy squad sa labang ginanap sa Taipei, Taiwan.
Inaabangan na rin ang muling paghaharap ng Gilas Pilipinas at New Zealand na mayroon ding 1-1 head-to-head sa FIBA Asia Cup qualifiers.
Makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang New Zealand sa Agosto 8.
- Latest