^

PM Sports

Diving panauhin sa TOPS Usapang Sports

Pang-masa

MANILA, Philippines -- Ang nakamtan na tagumpay ng Philippine Diving Team sa katatapos na international competition sa Indonesia ang bibigyan nang espasyo para sa malayang talakayan sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) "Usapang Sports" Huwebes sa Philippine Sports Commission (PSC) Badminton VIP Room sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate,Manila.

Makikiisa ang TOPS sa pagbibigay-pugay ganap na alas-10:30 nang umaga sa batang diver na si Rose Ann Ocmer na nagwagi ng isang ginto at isang bronze medal sa katatapos na 2nd Parisakti Diving International Competition sa Indonesia.

Nakamit ng 15-anyos na si Ocmer ang gintong medalya sa women’s Open Platform event at nagtapos sa ikatlong puwesto sa 1m women’s Open event para sandigan ang kampanya ng diving team na pinamumunuan ni coach Marie DeCastro Dimanche sa pangangasiwa ng Philippine Aquatics Inc.

Makakasama ni Ocmer sa programang itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat sina coach Dimanche at PAI Executive Director Anthony Reyes.

Inaanyayahan ni newly-elected TOPS president Nympha Miano-Ang ng pahayagang  Bulgar ang lahat ng miyembro, opisyal at sports aficionados na makiisa sa programa na mapapanood din via livestreaming sa opisyal Facebook page na TOPS Usapang Sports, sa Bulgar Sports at sa Channel 8 ng Pinoy Ako (PIKO) – ang pinakabagong mobile aps network na libreng mado-download  sa inyong Android phone.

DIVING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with