^

PM Sports

Eala umangat sa world ranking

Chris Co - Pang-masa
Eala umangat sa world ranking
Alex Eala

MANILA, Philippines — Hindi maawat ang pag-angat ni Alex Eala sa WTA ranking dahil na rin sa magandang laro nito sa mga iba’t ibang torneo.

Sumulong sa panibagong career-high na No. 69 si Eala base sa inilabas na latest ranking ng WTA.

Mas maganda ito kum­para sa kanyang dating puwesto na No. 70.

Magandang regalo ito para kay Eala na nakatakdang magdiwang ng ika-20 kaarawan sa Mayo 23.

Galing si Eala sa kampanya sa katatapos na Italian Open na ginanap sa Rome, Italy.

Nakaabot sa quarterfinals si Eala sa women’s doubles kung saan kapares nito si dating US Open champion Coco Gauff ng Amerika.

Bigo sina Eala at Gauff na makahirit ng tiket sa semis matapos yumuko kina Sara Errani at Jasmine Paolini ng Italy sa iskor na 5-7, 3-6, 7-10.

Napasakamay nina Errani at Paolini ang women’s doubles title.

Si Paolini naman ang itinanghal na kampeon sa singles matapos talunin si Gauff sa finals.

Sa singles, hindi pinalad si Eala nang matalo ito kay world No. 26 Marta Kostyuk ng Ukraine.

Nagpasalamat si Eala sa lahat ng sumusuporta sa kanyang bawat laban.

Sunod na pagtutunan ng pansin ni Eala ang pagsabak nito sa prestihiyosong French Open na magsisimula sa huling bahagi ng buwan sa Paris, France.

Ito ang unang pagkakataon na aarangkada si Eala sa main draw ng isang Grand Slam event nang hindi na dumaraan pa sa qualifying round.

Nabigyan ng awtomatikong tiket sa knockout stage si Eala dahil sa mataas nitong ranking sa WTA.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with