^

PM Sports

Pacquiao maghahanda na para sa laban nila ni Barrios

Dino Maragay - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling tumapak si Pinoy boxing legend Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California ang kanyang longtime training base sa United States para paghandaan ang pagbabalik niya sa boxing ring.

Uminit na sa social media ang muling pagsalang ni Pacquiao sa Hollywood sweatshop na pagmamay-ari ni Freddie Roach na siya ring muling maghahanda kay ‘Pacman’ sa pagahamon kay World Boxing Council welterweight champion Mario Barrios.

Dumating ang tropa ni Pacquiao (62-8-2, 39 knockouts, sa City of Angels noong Lunes para sa isang press conference na itinakda ngayong linggo kaugnay sa laban niya kay Barrios.

Ito ang unang pro bout ni Pacquiao matapos magretiro apat na taon na ang nakakalipas.

Si Roach ang muling gagabay sa 46-anyos na si Pacquiao para labanan ang 30-anyos at 5-foot-9 na si Barrios (29-2-1, 18 KOs) sa Hulyo 19 sa Las Vegas.

“It’s a tough road for anyone at this age to do what Manny is trying to do. But if anyone can do it, Manny can,” sabi ng 65-anyos na si Roach sa report ng Ring Magazine.

Isang light workout ang unang ginawa ni Pacquiao sa unang araw niya sa Wild Card.

Nasa Wild Card Gym din si Filipino fighter at dating WBC featherweight champion Mark Magsayo na lumaban sa undercard ng pagsagupa ni Pacquiao kay Yordenis Ugas noong 2021.

Si Pacquiao ay nakatakdang iluklok sa International Boxing Hall of Fame sa Hunyo sa New York.  

MANNY PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with