^

PM Sports

Pacquiao dadalo sa International Boxing Hall of Fame

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dumating na sa Amerika si eight-division world champion Manny Pacquiao para sa posibleng pagdalo nito sa International Boxing Hall of Fame sa Hunyo 5 hanggang 8 sa New York City.

Kasama nito ang asawang si Jinkee kung saan sinalubong ang dalawa ng kanyang panganay na anak na si Jimuel na kasalukuyan nang naninirahan sa Amerika.

Natalo si Pacquiao sa senatorial race sa katatapos na midterm elections kung saan hindi ito nakapasok sa Magic 12 matapos pumuwesto sa No. 18 bunsod ng nalikom nitong mahigit 10 milyong boto.

Sa kabila ng kabiguan, nagpasalamat si Pacquiao sa lahat ng sumuporta sa kanyang kandidatura.

Wala pang linaw sa mga susunod na hakbang ni Pacquiao.

Subalit nauna nang napaulat na magbabalik-aksyon ito sa professional boxing matapos ang ilang taong pagreretiro nito.

Ayon sa mga balita, target ni Pacquiao na makalaban si reigning World Boxing Council welterweight champion Mario Barrios.

Planong ganapin ang Pacquiao-Barrios fight sa Hulyo 19 sa Las Vegas, Nevada.

Ngunit wala pang pormal na anunsiyo ang kampo ni Pacquiao.

Maaaring ang pagbisita nito sa Amerika ang pagsisimula ng training camp ng Pinoy boxing champion dahil ilang linggo na lamang ang nalalabi bago ang July 19 fight sakaling matuloy ito.

Huling lumaban si Pacquiao sa professional boxing noong Agosto 21, 2021 kung saan natalo ito kay Yordenis Ugas ng Cuba via unanimous decision sa T-Moble Arena sa Las Vegas, Nevada.

Matapos nito, sumabak si Pacquiao sa presidential election noong 2022 kung saan natalo rin ito laban kay Pangulong Bongbong Marcos.

Sumalang din si Pacquiao sa ilang exhibition matches kabilang na ang laban nito kontra kay South Korean martial artist DK Yoo noong Disyembre 11, 2022 sa Korea International Exhibition Center sa South Korea.

Nanalo si Pacquiao via unanimous decision. 

 

MANNY PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with