^

PM Sports

Gilas training camp inihahanda na ng SBP

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Desidido ang Gilas Pilipinas na makapagbigay ng magandang laban sa 2025 FIBA Asia Cup na gaganapin sa Agosto 5 hanggang 17 sa Jeddah, Saudi Arabia.

Kaya naman ngayon pa lang, inihahanda na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang magiging preparasyon ng Gilas Pilipinas para sa torneo.

Magiging gipit sa oras ang Gilas Pilipinas dahil halos dikit ang pagtatapos ng PBA Philippine Cup at ang pagsisimula ng FIBA Asia Cup.

Matatapos sa Hulyo 27 ang Philippine Cup habang aarangkada naman ang FIBA Asia Cup sa Agosto 5.

Karamihan sa mga miyembro ng Gilas ay nasa PBA ranks.

Kaya naman pinaplantsa na ng SBP ang magiging schedule ng Gilas para masigurong handang-handa ito bago sumabak sa matinding laban.

Una na rito ang training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna na kadalasan nang ginagawa ng Gilas sa tuwing sasabak ito sa anumang international tournaments.

Dahil sa maiksing panahon, nais na lamang ni Gilas head coach Tim Cone na gugulin sa Maynila ang training camp nito.

Inihahanda rin ang tuneup games — isa sa Maynila at isa sa Jeddah — na makatutulong naman para sa chemistry ng Gilas sa loob ng court.

Plano rin ng SBP na umalis ang buong delegasyon sa Agosto 1 o 2 para makaagapay sa weather sa Jeddah na inaasahang magiging mainit sa mga panahon ng Agosto.

Pumapalo sa 39 degrees ang init tuwing Agosto sa Jeddah.

“We will probably leave around August 1 or 2 to acclimatize ourselves in Jeddah, Saudi Arabia and be better prepared,” ani SBP executive director Erika Dy.

Optimistiko ang SBP na hindi magiging problema ang chemistry dahil ito ay ang parehong Gilas pool na sumasabak na sa mga international tournaments.

Hindi tulad ng mga nakalipas na lineup na pabago bago ang mga players.

“It’s the same group of guys. They’ve been together. It’s reintroducing themselves to each other. Hopefully, it plays out well,” dagdag ni Dy.

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with