^

PM Sports

Lady Cardinals sinelyuhan ang No. 3 spot

Nilda Moreno - Pang-masa
Lady Cardinals sinelyuhan ang No. 3 spot
Mapua Lady Cardinals
(NCAA Philippines)

MANILA, Philippines — Nasilayan ang tikas ni Freighanne Seanelle Garcia nang akbayan nito ang Mapua University sa panalo kontra Jose Rizal University, 25-17, 25-20, 25-22 sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament na nilaro sa Emilio Aguinaldo College Gym hapon.

Kumana si Garcia ng 16 points mula sa 15 attacks at isang service ace para ilista ang 10-5 karta para sa Lady Cardinals  na nakopo ang solo third place sa team standings.

Bukod sa magic four, lumakas din ang tsansa ng Intramuros-based squad sa twice-to-beat incentives na ibibigay sa top two teams pagkatapos ng 10-team double round robin eliminations.a

Ito’y dahil nakalapit ng bahagya ang Lady Cardinals sa Letran na solo sa tuktok tangan ang 13-2 record at sa No. 2 na defending champion College of Saint Benilde na nanaig sa San Beda Universtity, 25-17,25-19, 25-18 sa u­nang laro.

Makakalaban  ng Mapua sa susunod nilang laro sa Martes ang San Sebastian College-Recoletos.

Nalasap naman ng JRU ang pang 14 na kabiguan sa 15 salang kaya wala na silang pag-asa na makausad sa susunod na phase.

Samantala, humataw si Zamantha Nolasco ng 14 points, 13 attacks, isang block para tulungan ang Taft-based squad na ilista ang 12-2 karta para sa ikalawang puwesto.

GYM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with