Batang Pier bagsak sa ika-5 dikit na kabiguan

MANILA, Philippines — Pinataob ng Converge ang barko ng NorthPort para sa magandang bawi, 111-92, sa 2025 PBA Philippine Cup kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Maalat ang naging simula ng FiberXers suballit nagpakawala ng 34-21 ratsada sa second quarter at nagtuluy-tuloy tungo sa panalo kontra sa bumubulusok na Batang Pier sa kawalan ni ace player Arvin Tolentino.
Naiganti ng Converge ang 85-66 kabiguan kontra sa Barangay Ginebra noong nakaraang lingo para umangat sa 5-3 kartada sa ikaapat na puwesto sa likod ng Magnolia (6-0), NLEX (5-1) at San Miguel (4-2).
Kumamadasi Alec Stockton ng 33 points, 3 rebounds, 3 assists at 2 steals para banderahan ang FiberXers na unti-unting umiinit sa 12-team eliminations upang mapalakas ang tsansa sa playoffs matapos ang quarterfinal exit sa Commissioner’s Cup.
Nag-ambag ng 22 points, 9 rebounds at 5 assists si Schonny Winston, habang may 18 at 10 markers sina Justin Arana at Justine Baltazar, ayon sa pagkakasunod.
Lumamang ng hanggang 23 points ang Converge sa tambakang laban simula sa second quarter matapos maiwan sa 16-19 sa first quarter.
Umiskor ng 23, 20, 14 at 12 points sina Joshua Munzon, Will Navarro, Cade Flores at James Kwekuteye, ayon sa pagkakasunod, para sa NorthPort na sumadsad sa 1-5 kartada.
Ito na ang ika-5 na sunod na kabiguan ng Batang Pier na iniinda pa rin ang hip injury ng Commissioner’s Cup BPC na si Tolentino.
- Latest