^

PM Sports

Gin Kings tatarget ng panalo sa Fuel Masters

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi magpapaiwan ang Barangay Ginebra sa karera ng mga liders sa tangka nitong maitumba ang Phoenix sa pagpapatuloy ng 2025 PBA Philippine Cup ngayon sa PhilSports Arena sa Pasig.

Nakatakda ang sagupaan sa alas-7:30 ng gabi para sa main game tampok din ang Converge (4-3) kontra sa NorthPort (1-4) sa alas-5 ng hapon.

May 3-2 kartada ang Gin Kings at kung makakalusot ay makakasalo ang San Miguel (4-2) para sa tersera puwesto sa kalagitnaan ng 12-team eliminations.

Nasa unahan lang nila ang unbeaten na Magnolia (6-0) at NLEX (5-1) na namumuro sa Top 2 at twice-to-beat incentives bagama’t marami pang bakbakan ang sasalangan.

Kagagaling lang ng mga bataan ni coach Tim Cone sa 85-66 panalo kontra sa Converge noong nakaraang linggo sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga, kaya determinadong mamartsa sa duwelo kontra sa Fuel Masters.

Ang Phoenix, sa kabilang banda, ay nadagit ng San Miguel Beer, 111-92, para sa 2-4 kartada.

Nanganganib sa ika-9 na puwesto ngayon ang Fuel Masters kaya krusyal ang tangkang panalo sa Gin Kings upang maunahan ang reigning champion na Meralco Bolts, na may 3-5 marka, sa Top 8.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with