^

PM Sports

Collegiate career nina Solomon, Belen makulay

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Makulay ang collegiate career ni Alyssa Solomon lalo na ang teammate nitong si three-time Most Valuable Player Mhicaela “Bella” Belen.

Noong Miyerkules ng bagi ay nagsanib-pu­wersa sina Solomon at Belen para akbayan ang National University sa 25-19, 25-18, 25-19 panalo kontra De La Salle University sa Game 2 ng kanilang best- of-three series na nilaro sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nasikwat ng Lady Bulldogs ang kauna-unahang back-to-back champions. 

May iiwanan na history si 22-year-old, Belen sa NU at sa UAAP, ito’y ang pa­ngatlong player na nakakuha ng tatlong season MVP.

Unang gumawa ng nasabing three-MVP performance ay si Far Eastern University Lady Tamaraws star Ailyn Ege noong 63rd hanggang 65th season.

Makalipas ang ilang taon ay sinundan ito ni Alyssa Valdez ng Ateneo Blue Eagles, naging MVP sa 76th, 77th at 78th season.

Habang si Solomon ay maaari na nitong sundan ang yapak ng kanyang idolong si former Lady Bulldog icon Jaja Santiago na matagumpay ang paglalaro nito sa Japan at ngayon ay sumusubok pumalo ng bola sa European leagues.

Pero ayon kay Solomon ay magpapahinga muna ito.

“Pahinga muna yung linolook forward ko. Kung may opportunities overseas, sige, i-grab natin, kasi for experience na rin naman ‘yan ‘eh,” ani Solomon. “Open naman ako sa kahit ano na opportunities natin. Pero for now, rest muna yung katawan ko,”

Impresibo ang Season 87 para kay Solomon, nakapagtala ito ng kabuuang 231 total points, 197 attacks, 26 blocks, at walong service aces.

 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with