^

PM Sports

Lady Knights ‘di bibitaw sa itaas

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Plano nina Maria Judiel Nitura at Gia Marcel Maquilang na patibayin ang kapit ng Letran sa tuktok ng team standings sa pagharap nila sa Arellano University sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament na lalaruin sa Emilio Aguinaldo College Gym ngayong araw.

Magsisimula ang paluan ng bola sa pagitan ng Letran at Arellano U sa alas-2:30 ng hapon pagkatapos ng labanan ng University of Perpetual Help System DALTA at San Sebastian College-Recoletos sa alas-12 ng tanghali.

Tangan ang 12-2 karta, apat na laro na lamang ang nalalabi kaya nais nilang magpanalo pa para makasiguro din sila na makakakuha ng twice-to-beat advantage pagkatapos ng 10-team double round robin eliminations.

Nasa pangalawang pu­westo ang defending champion Saint Benilde na may 11-2 karta.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with