^

PM Sports

La Salle hihirit ng rubber match

Nilda Moreno - Pang-masa
La Salle hihirit ng rubber match

MANILA, Philippines — Doble kayod ang kailangan ng De La Salle University upang makahirit sila ng do-or-die Game 3 at manatiling may tsansa sa asam na korona.

Nakatakdang harapin ng Lady Spikers ang defending champion National University sa Game 2 best-of-three finals ng UAAP Season 87 wo­men’s volleyball tournament na lalaruin sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City ngayong araw.

Lumuhod sa Game 1 ang Taft-based squad kaya kailangan nilang makuha ang panalo pagsimula ng kanilang paluan ng bola ngayong alas-5 ng hapon.

Ipaparada ni Lady Spikers head coach Ramil De Jesus sina Angel Anne Canino, Shevana Laput at Amie Provido para tapatan ang mga kamador ng Lady Bulldogs sa pamumuno ni two-time Most Valuable Player, (MVP) Mhicaela “Bella” Belen.

Pero asahang mapapahirapan ng todo ang Lady Spikers dahil determinado si Belen at Lady Bulldogs na sakmalin ang back-to-back titles.

Bahagyang liyamado sa laban ang Lady Bulldogs dahil sa magkaka­kilala sila sa isa’t-isa at maraming hirap na rin silang naranasan bago makopo ang mga tagumpay sa kanilang koponan.

“Malaking bagay ang chemistry, lalo na sa volleyball,”ani Belen. “Kilala na namin iyung bawa’t isa.

Makikipagtulungan si 5-foot-8 outside hitter, Belen kina Alyssa Jae So­lomon, Evangeline Alinsug at libero Shaira Jardio para tapusin ang serye.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with