Thunder dumikit sa Nuggets

DENVER — Bumira si Shai Gilgeous-Alexander ng 25 points para banderahan ang Oklahoma City Thunder sa 92-87 pagganti sa Nuggets sa Game 4 at itabla sa 2-2 ang kanilang Western Conference semifinals series.
“We fought. We stayed the course,” sabi ni Gilgeous-Alexander. “And then we closed the game.”
Naharap sa isang eight-point sa kaagahan ng fourth quarter, isang 11-0 bomba ang inihulog ng Oklahoma City sa likod nina reserves Cason Wallace, nagsalpak ng dalawang three-pointers, at Aaron Wiggins, kumonekta ng isang triple, para agawin sa Denver ang bentahe.
Ang ikalawang tres ni Wallace ang nagbigay sa Thunder ng 75-73 abante matapos kunin ng Nuggets ang 73-66 kalamangan.
“Quick turnaround with an early game today, we made an intentional effort to use our depth today and get everybody going,” wika ni OKC coach Mark Daigneault kina Wallace at Wiggins.
Nagkadena si Nikola Jokic ng 27 points, 13 rebounds at 3 assist sa panig ng Denver na naimintis ang tangkang 34 triples.
Sa Indianapolis, umiskor si Pascal Siakam ng 21 points at may tig-20 markers sina Myles Turner at Obi Toppin sa pagtabla ng Indiana Pacers sa isang NBA playoff record na 41-point halftime lead patungo sa 129-109 pagdaig sa Cleveland Cavaliers sa Game 4 at kunin ang 3-1 series lead sa kanilang Eastern Conference semifinals showdown.
Itinayo ng Pacers ang isang 44-point lead bago isara ang halftime bitbit ang 80-39 abante sa Cavaliers.
- Latest