Atleta, coaches bumoto sa eleksiyon
MANILA, Philippines — Nakiisa ang mga Pinoy athletes, coaches at ilang sports personalities sa midterm national elections.
May kani-kanyang posts ang mga ito matapos makaboto sa eleksiyon kahapon.
Bumabandera na sa listahan si eight-division world champion Manny Pacquiao na nagpost ng kanyang larawan ng daliri na may indelible ink matapos bumoto.
Isa si Pacquiao sa mga tumatakbong senador.
Kasama rin sa mga nagpost sa kanilang social media si volleyball star Alyssa Valdez ng Creamline Cool Smashers kung saan may mensahe pa ito para sa mga botante.
“Your vote is your power – use it wisely,” ani Valdez sa kanyang post sa social media.
May post din si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz ng weightlifting gayundin sina dating Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes at dating professional basketball player Chris Tiu.
Ilan pa sa mga nagpost sina basketball players Gab Banal at Asi Taulava, at volleyball player Jovelyn Gonzaga ng Zus Coffee Thunderbelles.
Kasama rin si dating PBA star Dondon Hontiveros na tumatakbo namang Cebu City vice mayor habang si PBA legend Kenneth Duremdes ang isa sa mga nominado sa MPBL partylist.
Ilang kilalang sports personalities din ang tumatakbo sa taong ito kabilang na si dating volleyball player Pia Cayetano bilang senador at kilalang tagasulong ng sports sa bansa.
- Latest