Tepok sa Bangkok?
Dahil buwag ang Gilas, at aarangkada na ang SEA Games noong December 2019 sa ating bakuran, walang ibang pinaka-magandang option ang SBP noon kung hindi kumatok sa PBA.
Tumango ang PBA, umayon si Tim Cone na hawakan ang koponan at nagpaunlak din lumaro sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, LA Tenorio, Christian Standhardinger, Troy Rosario, Stanley Pringle, Chris Ross, Matthew Wright, Kiefer Ravena, Vic Manuel, Greg Slaughter at Marcio Lassiter.
Mga alas ng Ginebra at San Miguel Beer ang agad na nabuo para sa koponan na winalis ang competition na ginanap sa MOA Arena.
Noong 1994 Asian Games, halos ganoon din ang nangyari. Core players ng Philippine Cup champion na San Miguel Beer ang bumuo ng Team Phl na tumapos fourth place sa Hiroshima Asiad.
At dahil hindi mabubuo ang kasalukuyang Gilas para sa SEAG na gagawin sa Bangkok sa December, malamang na mauulit ang 2019 model.
Pero mas challenging ngayon dahil ii-implement ang FIBA eligibility rule kung saan hindi makakalaro bilang regular players ang mga Fil-foreign aces gaya nina Pringle at Standhardinger. Araguy!
Pabor din naman ito sa atin, dahil hindi rin makakalaro ang mga “hugot” ng Cambodia na naglaro sa kanila noong 2023.
Hindi pwede ang ating mga stars na nasa Japan at Korea gaya nina Dwight Ramos, Rhenz Abando at Carl Tamayo.
Ang tanong eh kung handa rin bang tumulong ang ating collegiate leagues at collegiate teams gaya ng UP at La Salle.
Kung hindi dadating ang ayuda, tepok tayo sa Bangkok.
- Latest