^

PM Sports

Phoenix giba sa San Miguel

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Phoenix giba sa San Miguel
Pinanood na lang ni Kai Ballungay ng Phoenix ang tira ni SMB star June Mar Fajardo.
PBA Image

MANILA, Philippines — Mabilis na nakabawi ang San Miguel mula sa pagkakabalentong nang dagitin ang Phoenix, 111-92, sa 2025 PBA Philippine Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Tumaob ang Beermen kontra sa TNT Tropang 5G noong nakaraang linggo, 89-84, bago patumbahin ang Fuel Masters sa likod ng maliyab na second-quarter run tungo sa kumbinsidong tagumpay.

Tinagay ng SMB ang 4-2 kartada para manatiling nakadikit sa mga lider na Magnolia (5-0) at NLEX (4-1) lagpas kalahati na sa 12-team elimination round.

Namuno si CJ Perez na may 26 puntos, 5 rebounds, 4 assists at 2 steals sa 29 minutong aksyon lang para sa madaling 19-puntos na tagumpay ng mga manok ni coach Leo Austria.

Sumuporta sa kanya si Don Trollano na may 21 puntos 22 minutong laro habang tumabo ng double-double na 20 puntos at 12  rebounds si 8-time PBA MVP June Mar Fajardo sahog pa ang 3 assists at 1 tapal.

May ambag na 11 puntos si Marcio Lassiter habang nagdagdag ng 8 at 7 puntos sina Rodney Brondial at Mo Tautuaa, ayon sa pagka­kasunod.

Ga-hibla lang ang abante ng Beermen sa first quarter, 30-29, subalit nagpakawala ng 34-21 na birada sa second quarter para sa dominanteng 64-50 bentahe sa first quarter.

Hindi na nagpaawat pa ang SMB buhat noon nang lumamang pa hanggang sa 24 puntos, 89-65, tungo sa bigating panalo.

Napurnada ang 23 puntos ni super rookie Kai Ballungay pati na ang 16 at 15 puntos nina Ken Tuffin at Jason Perkins, ayon sa pagkakasunod, para sa Fuel Masters na sumadsad sa 2-3 kartada.

PHOENIX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with