Eala, Gauff pasok sa Italian Open 2nd round

MANILA, Philippines — Nagparamdam agad ng lakas ang pares nina Pinay netter Alex Eala at American player Coco Gauff sa women’s doubles ng ginaganap na Italian Open sa Rome, Italy.
Matikas ang simula nina Eala at Gauff nang mabilis nitong patumbahin sina Alexandra Panova ng Russia at Fanny Stollar ng Hungary sa bendisyon ng 6-3, 6-1 panalo sa opening round.
Ito ang unang pagkakataon na nagsama sina Eala at Gauff sa doubles.
Subalit hindi naging problema ang chemistry nang ilatag ng dalawa ang matatalim na atake para mabilis na pataubin ang kanilang karibal.
Nagtala sina Eala at Gauff ng pinagsamang pitong aces habang nagtala rin ito ng 31 service points.
Kaya naman, umusad sina Eala at Gauff sa Round of 16 kung saan pakay ng dalawa na maipagpatuloy ang magandang ratsada nito para makahirit ng tiket sa quarterfinals.
Makakasagupa nina Eala at Gauff sina Italians Lisa Pigato at Tyra Caterina Grant.
Target ni Eala na makausad sa doubles upang makalikom ng ranking points sa WTA.
Kasalukuyan itong nasa ika-64 sa live rankings ng WTA.
May career-high na No. 70 si Eala sa aktuwal na WTA rankings ngunit inaasahang aangat ito sa oras na muling maglabas ng panibagong rankings ang WTA.
Hangad ni Eala na makabawi sa doubles matapos maagang masibak sa singles event noong nakaraang linggo.
- Latest