^

PM Sports

MVP aayuda sa PNVF para sa FIVB Worlds

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi lang pam-basketball ang suporta ni sports patron Manny V. Pangi­linan, o kilala bilang MVP, para sa Philippine sports.

Ibinigay ni MVP ang buong suporta ng kanyang MVP Group of Companies para sa Philippine National Volleyball Fe­deration (PNVF) sa ina­bangang hosting nito ng FIVB Volleyball Men’s World Championship Phi­lippines 2025 sa Setyembre 12 hanggang 28.

Nagpirmahan ang MVP Group of Companies at PNVF ng kontrata kahapon sa Meralco Lighthouse sa Ortigas, Pasig para sa bagong samahan nina Pangilinan at PNVF president Ramon “Tats” Suzara.

Matatandaang si Suzara ang itinalaga ni Pa­ngilinan, chairman emeritus ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), bilang chief implementer at master planner ng 2023 FIBA Basketball World Cup na ginanap din sa Pilipinas.

Nagresulta ito sa matagumpay na hosting kasama ang Japan at Indonesia bago ang samahan ulit ngayon para naman sa volleyball na solo host ang Pinas sa unang pagkakataon sa kasaysayan.

Bitbit ni Pangilinan sa suporta niya sa PNVF ang PLDT, Smart, Meralco, Metro Pacific Investments, Cignal at mWell bilang ilan lamang sa sandamakmak na kumpanyang hawak niya.

PLDT ang magsisilbing opisyal na broadband internet partner ng torneo habang Cignal naman ang opisyal na broadcast partner. 

PNVF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with