^

PM Sports

Jungkook kampeon sa Chairman’s Cup

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinabilib ng Jungkook ang mga liyamadista matapos nitong sikwatin ang panalo sa 2025 PHILRACOM ‘Chairman’s Cup’ noong Linggo ng hapon sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Pagsalida sa aparato ay ipinuwesto ni class A rider Kelvin Abobo ang Jungkook sa pang-anim upang pagmasdan ang mga naglulutsahan na Diversity, Batang Manda at Worshipful Master.

Patuloy na naging mainitan ang bakbakan ng matutulin sa largahan na Diversity, Batang Manda at Worshipful Master sa unang kurbada habang nasa malayong pang-apat ang Basheirrou at Jungkook.

Kumuha na ng bandera ang reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Horse of the Year awardee, Batang Manda pagsapit sa kalagitnaan ng karera at sumunod  naman ang Worshipful Master habang nalulusaw sa pa­ngatlo ang Diversity.

Pero nagsimula ng magparemate si Abobo at dahil malakas ang dating ay nakuha na agad ng Jungkook ang unahan papunta pa lang sa huling kurbada.

Mabilis ang paghakbang ng Jungkook, umu­ngos ng dalawang kabayo sa Batang Manda sa rektahan at nagtuluy-tuloy na ang winning horse sa finish line sa tiyempong 2:07 minuto.

PHILRACOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with