^

PM Sports

Bolts sinilat ng Elasto Painters

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Bolts sinilat ng Elasto Painters
Nilusutan ni Rain or Shine guard Adrian Nocom si Bolts forward Cliff Hodge.
PBA image

MANILA, Philippines — Sinilat ng pilay na Rain or Shine ang reig­ning champion na Meralco, 128-116, para sa ikala­wang sunod na tagumpay nito sa 2025 PBA Phi­lippine Cup kahapon sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Kulang ng 4 na manlalaro ang Elasto Painters dahil sa injuries subalit hindi pa rin matinag nang umalagwa sa second half mula sa dikit na 66-59 abante sa halftime.

Angat sa 2-1 kartada ang RoS matapos ang 113-96 panalo kontra sa NorthPort bago ang PBA break para sa Semana Santa na pambawi nila sa sablay na unang salang kontra sa NLEX, 109-95.

Humakot ng 27 puntos, 7 rebounds, 2 assists at 3 tapal si Santi Santillan upang pamunuan ang kalat na opensa ng Elasto Painters na semifinalist ng nakaraang Governors’s Cup at Commissioner’s Cup kaya determinadong makabawi ngayong All-Filipino tourney.

Nag-ambag ng tig-24 puntos sina Gian Mamu­yac at Adrian Nocum habang may 13 , 12 at 10 puntos sina Felix Pangi­linan-Lemetti, Gabe Norwood at Jhonard Clarito, ayon sa pagkakasunod.

Hindi ininda ng mga bataan ni coach Yeng Guiao ang kawalan nina Beau Belga, Keith Datu, Caelan Tiongson at Shaun Ildefonso dahil sa magkakaibang injuries.

Nagawa ito ng RoS sa likod ng 36-23 ratsada sa third quarter upang makalayo sa palabang Meralco hanggang sa lumamang pa ng hanggang 20 puntos tungo sa tagumpay.

Nalasap ng Bolts ang ikatlong sunod nilang kabiguan para sa biglaang 2-3 kartada matapos ang mainit na 2-0 simula.

 

BASKETBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with