^

PM Sports

TNT, Meralco babangon agad

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matamis na higanti ang hangarin ng reigning champion na Meralco at Talk ‘N Text kontra sa magkaibang katunggali sa pagdayo ng 2025 PBA Philippine Cup ngayon sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Haharapin ng Bolts ang Rain or Shine Elasto Painters sa alas-5 ng hapon habang magpapangbuno ang Tropang 5G at Converge sa alas-7:30 ng gabi.

Sadsad sa 2 sunod na kabiguan ang Bolts upang magkasya sa 2-2 kartada sa kalagitnaan ng 12-team standings habang balentong sa debut ang Tro­pang 5G kontra sa NLEX Road Warriors, 91-74.

Paborito ang Meralco bilang reigning champion subalit hindi basta basta ang RoS na kagagaling lang sa 113-96 panalo kontra sa NorthPort bago ang PBA break.

Mainit ang simula ng mga bataan ni coach L­uigi Trillo sa 2-0 subalit tumaob nang magkasunod sa San Miguel, 110-98, at sa Phoenix, 109-97.

Mapapalaban din ang Tropang Giga na sab­lay ang naging simula sa tangka nitong Grand Slam ngayong All-Filipino matapos pagharian ang Commissioner’s Cup at Governors’ Cup.

Katapat ng TNT ang Converge (2-2) na dinomina ang Blackwater, 111-80, bago ang PBA break subalit determinadong makaiwas sa 0-2 kartada.

MERALCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with