Bucks dumikit sa Pacers

MILWAUKEE - Nagsalpak si Gary Trent Jr. ng franchise playoff record na siyam na three-point shots at tumapos na may 37 points sa 117-101 pagsuwag ng Bucks sa Indiana Pacers sa Game Three ng kanilang Eastern Conference first-round playoff series.
Bumanat din si Giannis Antetokounmpo ng 37 markers bukod sa 12 rebounds para idikit ng Milwaukee sa 1-2 ang kanilang best-of-seven showdown ng Indiana.
Kinuha ng Indiana ang 57-47 halftime lead bago nagsalpak si Trent ng tatlong 3-pointers sa third period para itabla ang Milwaukee sa 62-62.
Inagaw ng Bucks ang 72-69 abante matapos ang 3-point play ni Antetokounmpo hanggang ilista ang 86-75 kalamangan sa pagtatapos ng nasabing yugto.
Sa Minneapolis, nagpasabog si Jaden McDaniels ng career playoff-high 30 points para gabayan ang Minnesota Timberwolves sa 116-104 panalo sa Los Angeles Lakers sa Game Three at agawin ang 2-1 lead sa kanilang serye.
Sa Orlando, naglista si Franz Wagner ng 32 points at may 29 markers si Paolo Banchero sa 95-93 pagtakas ng Magic sa nagdedepensang Boston Celtics at ilapit sa 1-2 ang kanilang duwelo.
- Latest