La Salle ilalaglag ang FEU para sa twice-to-beat
MANILA, Philippines — Kumpleto na ang final casts ng magic four dahil swak na sa susunod na phase ang defending champion National University, La Salle, UST at FEU.
Pero mahigpit pa rin ang labanan para sa natitirang twice-to-beat incentive pagkatapos ng eight-team double round robin ng UAAP Season 87 women’s volleyball tournament.
Dalawang bounus ang ipamimigay sa top two teams pagkatapos ng eliminations, nakuha na ng Lady Bulldogs ang isa dahil tiyak na sila sa No. 1 seeding, tangan nila ang 11-2 karta.
Magkasalo ang DLSU at UST sa No. 2 tangan ang tig-9-4 karta kaya mahalaga ang laro ng una kontra FEU ngayong alas-3 ng hapon matapos ang upakan ng Ateneo at UE sa ala-1 ng hapon.
Kailangan manalo ng Lady Spikers upang makasiguro ng playoff para sa No. 2 kung sakaling manalo rin ang UST sa NU sa Sabado.
- Latest