Clippers angat sa 2-1
INGLEWOOD, Calif. — Inagaw ng Los Angeles Clippers ang 2-1 lead sa kanilang Western Conference first-round playoffs series ng Denver Nuggets matapos ang 117-83 panalo sa Game Three.
Humakot si Kawhi Leonard ng 21 points at 11 rebounds para banderahan ang ikalawang sunod na panalo ng Clippers sa kanilang best-of-seven showdown ng Nuggets.
Sa Memphis, bumira si Shai Gilgeous-Alexander ng 31 points at may 26 at 24 markers sina Jalen Williams at Chet Holmgren, ayon sa pagkakasunod, sa 114-108 panalo ng Oklahoma City Thunder sa Grizzlies sa Game Three at itayo ang 3-0 bentahe sa kanilang duwelo.
Sa Detroit, kumamada si Karl-Anthony Towns ng 31 points sa 118-116 pagtakas ng New York Knicks sa Pistons sa Game Three at ilista ang 2-1 lead sa kanilang serye.
- Latest