^

PM Sports

Ginebra aasinta ng panalo sa SMB

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi papaawat ang Barangay Ginebra sa tangkang higanti ngayong season kahit pa kontra sa kapatid na San Miguel Beer sa bigating tapatan ngayon sa 2025 PBA Philippine Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Mag-aagawan sa tagay ang Gin Kings at Beermen sa alas-7:30 ng gabi pagkatapos ng harapang Blackwater at NorthPort sa alas-5 ng hapon.

Hangad ng Bossing ang unang tagumpay mula sa maalat na 0-2 simula habang makabalik agad sa winning column ang naisin ng NorthPort matapos ang 113-96 kabiguan kontra sa Rain or Shine.

Subalit ang atensyon ng miron ay nasa Ginebra-SMB na mamartsa sa tagayan galing sa magkaibang hangover.

Tagumpay ang Ginebra (1-0) sa debut nito kontra sa Terrafirma, 101-80 habang nalasap naman ng SMB (2-1) ang unang kabiguan kontra sa Magnolia, 98-95.

Magandang simula ang panalo ng Gin Kings para sa misyong maghari na sa wakas ngayong All-Filipino Conference matapos umabante sa 2 sunod na finals para lang yumukod sa Talk ‘N Text sa Governors’ Cup at Commissioner’s Cup.

Walang pakialam ang Ginebra kahit Beermen pa ang humarang sa daan na iyon.

“Our guys are really good at moving forward and moving on. We don’t look back. We are motivated because it’s an all-Filipino and we want to get off and get our feet wet and try to get a win under our belts,” ani Gin Kings mentor Tim Cone.

Upang magawa ang misyon ay sasandal si Cone kay Japeth Aguilar na tumabo ng kumpletong 30 puntos, 7 rebounds, 2 assists at 1 steal sa pagpupog nila sa Dyip.

Nakasuporta sa kanya si Scottie Thompson na nakasali sa 500-steal club ng PBA sa nakaraang laro matapos maglista ng 11 puntos, 13 rebounds, 7 assists at 1 steal.

Nadale ulit ng injury si Jeremiah Gray para sa Ginebra subalit makakaasa kina Maverick Ahanmisi, Stephon Holt, RJ Abar­rientos at Troy Rosario kontra kina June Mar Fajardo, CJ Perez, Don Trollano, Jeron Teng, Jericho Cruz at Marcio Lassiter ng Beermen ni caoch Leo Austria. 

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with