2-0 lead inagaw ng Pacers sa Bucks

INDIANAPOLIS — Humakot si forward Pascal Siakam ng 24 points at 11 rebounds para igiya ang Indiana Pacers sa 123-115 paggupo sa Milwaukee Bucks sa Game Two at iposte ang 2-0 lead sa kanilang Eastern Conference first-round playoffs.
Nagdagdag si Tyrse Haliburton ng 21 points at 12 assists para sa pang-limang panalo ng Pacers sa kanilang anim na playoff games ng Bucks.
“He’s been a steady presence for us all year, so glad that he’s on our team,”ani Haliburton kay Siakam. “I think he could be the most underrated player in the NBA to be honest. I think what he does on a nightly basis is amazing. So consistent, so steady.”
May 14 markers si guard Damian Lillard sa kanyang unang laro para sa Milwaukee matapos magkaroon ng right calf injury noong Marso 18.
Sa Oklahoma City, bumira si Shai Gilgeous-Alexander ng 27 points para banderahan ang Thunder sa 118-99 pagdomina sa Memphis Grizzlies at itarak ang 2-0 lead sa kanilang first-round playoff series.
Sa Los Angeles, nagkadena si Luka Doncic ng 31 points, 12 rebounds at 9 assists at may 21 markers si LeBron James sa 94-85 pagresbak ng Lakers sa Minnesota Timberwolves para itabla sa 1-1 ang kanilang serye.
- Latest