^

PM Sports

Fighting Maroons laglag na sa semis

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nilusaw ng University of Sto. Tomas ang pa­ngarap ng University of the Philippines na makapasok sa semifnals matapos ilista ang 25-20, 25-21, 25-18 panalo sa UAAP Season 87 women’s volleyball tournament na nilaro sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City kahapon.

Napanatili ng Golden Tigresses ang pagkapit sa pangalawang puwesto ng team standings at maging ang twice-to-beat incentive ay may tsansa pa na mapunta sa kanila.

Tumikada si Angeline Poyos ng 19 points para tulungan ang España-based squad na ilista ang 9-4 karta, solo sa tuktok ang defending champion National University na tangan ang 11-2 record, swak na sila sa susunod na phase kasama ang kanilang twice-to-beat advantage.

Kaya isa na lang ang natitirang bonus na pinag-aagawan.

Nakatuwang ni Poyos sa opensa sina Regine Grace Regina, Mary Margaret Banagua at Maribeth Hilongo na kumana ng 13, 12 at walong puntos,  ayon sa pagkakasunod.

Para mas mapalakas sa hangad na insentibo ay kailangan maipanalo ng Golden Tigresses ang kanilang huling laro kontra Lady Bulldogs sa Linggo.

Isa sa susi ng pagkaka­panalo ng UST ay ang tulong ni middle blocker Banagua, inukit nito ang career-high eight blocks.

Lalong uminit ang labanan para sa natitirang twice-to-beat incentive matapos panain ng De La Salle University ang A­damson University, 25-19, 21-25, 22-25, 25-18, 15-4, sa ikalawang laro.

Umariba sa opensa sina Angel Anne Canino at Shevana Marie Nicola Laput upang tulungan ang Lady Spikers na ilista ang 9-4 record at saluhan ang University of Sto. Tomas sa pangalawang puwesto sa team standings.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with