^

PM Sports

Nakhon Ratchasima umeskapo sa PLDT

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Nakhon Ratchasima umeskapo sa PLDT
Hinatawan ni Savannah Davidson ng PLDT ang Nakhon Ratchasima defenders.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Naitakas ng Nakhon Ratchasima QminC ng Thailand ang 26-24, 25-20, 20-25, 20-25, 15-9 panalo kontra sa PLDT upang upang masikwat ang No. 1 seed sa Pool D ng 2025 AVC Women’s Champions League kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Muntikang malustay ng Nakhon ang 2-0 set lead at 5-2 na bentahe sa fifth set bago patunayan ang kalibre nito bilang 6-time champion ng Thailand.

Nagpakawala ng 7-0 ratsada ang Nakhon upang blangkahin ang PLDT sa huling sultada matapos nitong maagaw ang manibela sa 9-8 tungo sa dikdikang tagumpay.

Humataw ng 18 at 16 puntos sina Anyse Marlee Smith at Evangelia Chantava para bumida sa Nakhon na nakakuha rin ng suporta mula kay Onuma Sittirak na may 9 puntos.

Nagtapos sa 2-0 kartada ang Nakhon para sa pri­mera pwesto ng Pool D at naitakda ang quarterfinal duel kontra sa PVL bet na Creamline na sumegunda sa Pool A bitbit ang 1-1 kartada.

Nauna nang nakaiskor ng 25-10, 25-16, 25-12 panalo ang Nakhon kontra sa Queensland Pirates ng Australia, na dinaig din ng PLDT, 25-19, 25-12, 25-12, upang makasampa pa rin sa quarterfinals.

May 1-1 marka ang High Speed Hitters para sa No. 2 seed ng Pool D at makakatapat naman ang Pool A leader na Zhetysu ng Kazakhstan.

2019 PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE (PVL) REINFORCED CONFERENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with