Pistons tinapos ang kamalasan sa Knicks

NEW YORK — Kumolekta si Cade Cunningham ng 33 points at 12 rebounds habang isinalpak ni Dennis Schroder ang tiebreaking 3-pointer sa huling 55 segundo sa 100-94 pagbawi ng Detroit Pistons sa Knicks sa Game Two ng kanilang first-round playoffs series.
Tinapos ng Detroit ang kanilang NBA-record na 15-game postseason losing slump sa New York para itabla sa 1-1 ang serye nila.
“It’s a great feeling. It feels good to represent the city like we did tonight,” sabi ni Cunningham.
Ipinasok ni Schroder ang pambasag na 3-pointer para sa 97-94 abante ng Pistons.
Isang 16-4 atake ang ginawa ng Knicks para makatabla sa 94-94 tampok ang dunk ni Josh Hart na umiskor ng 20 points. Nagtala si Jalen Brunson ng 37 points para sa New York.
May tsansa ang Detroit na maagaw ang 2-1 lead sa kanilang serye ng New York sa pamamahala nila sa Game 3
Sa Denver, humataw si Kawhi Leonard ng 39 points sa 105-102 pagresbak ng Los Angeles Clippers sa Nuggets sa Game Two ng kanilang serye.
Itinabla ng Clippers sa 1-1 ang upakan nila ng Nuggets.
Bigo si Christian Braun na maipasok ang kanyang 3-point attempt para sa Nuggets kasunod ang mintis na tres din ni Nikola Jokic sa pagtunog ng final buzzer.
- Latest