^

PM Sports

La Salle, UST target ang bonus

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mahigpit ang labanan ng De La Salle University at University of Sto. Tomas para sa natitirang semifinals bonus sa UAAP Season 87 women’s volleyball tournament.

Panigurado na ang isang twice-to-beat incentive sa defending champion National University dahil nasa tuktok ito ng team standings tangan ang 11-2 record.

Magkasalo naman sa No. 2 ang Lady Spikers at Golden Tigresses hawak ang tig 8-4 baraha habang solo sa No. 4 ang Far E­astern University na may 8-5 card.

Ang top two teams pagkatapos ng eight-team double round robin ay mabibiyayaan ng twice-to-beat advantage sa Final Four kaya mahalaga ang natitirang laro ng DLSU at UST.

Kaya asahang itotodo ng Lady Spikers at Golden Tigresses ang kanilang lakas upang masilo ang panalo sa pagbabalik aksyon sa UAAP ngayong araw.

Magbabanatan ang UST at UP sa ala-1 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sunod ang bakbakan sa pagitan ng DLSU at Adamson University sa alas-3 ng hapon.

Pakay ng Lady Spi­kers na makabangon agad mula sa pagkakadapa nila sa University of the Philippines sa huli nilang laro bago ang Holy Week break kaya tiyak na huhugot sila ng lakas kay former Roo­kie/MVP Angel Canino.

Tanging ang UP na lang ang may tsansa na makahabol sa semis, may karta itong 6-6 kaya krusyal ang laro nila sa UST, kapag natalo ang Lady Maroons ay tulunyan na silang mamamaalam ngayong season.

Sasandalan naman ng Golden Tigresses ang kanilang three-game winning streak para masakmal ang panalo at malaki ang tsansa sa asam na insentibo.

Ipaparada ni UST mentor, Emilio Reyes Jr. sina Angeline Poyos, Regina Grace Jurado, Margaret Altea at Kyla Elvi Dale Cordora para tapatan ang mga pambatong netters ng Lady Maroons na gagawin din ang lahat para makuha ang panalo.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with