^

PM Sports

Gazz Angels bagsak sa Taipower

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Gazz Angels bagsak sa Taipower
Hinarang ni Petro Gazz star Brooke Van Sickle ang palo ng Taipower player.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Hindi nakaporma ang PVL All-Filipino Confe­rence champion na Petro Gazz kontra sa Kaohsiung Taipower ng Chinese Taipei, 15-25, 16-25, 25-19, 20-25, para sa maalat na pa­nimula ng kampanya nito sa 2025 AVC Women’s Champions League kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig.

Kinulang ang 18 puntos sa 16 na attacks, 1 tapal at 1 ace ni import Giovanna Day para sa Angels na lagpak agad sa 0-1 sa Pool B ng Asian tournament.

Tanging si PVL MVP Brooke Van Sickle lang na may 13 puntos sa 11 na hits ang nakatambal sa scoring ni Day kontra sa walang galos na Kaohsiung na sigurado na sa top seed ng Pool B at sa quarterfinals.

Kagagaling lang ng Kaohsiung sa 25-10, 25-16, 25-14 panalo kontra sa Hip Hing ng Hong Kong na sunod na makakalaban ng Petro Gazz ngayon.

Kailangang manalo ng Angels sa Hip Hing upang makapasok din sa quarterfinals gaya ng PLDT na nakasampa na sa Top 8 matapos ang 25-19, 25-12, 25-12 panalo kontra sa Queensland Pirates ng Australia sa Pool D.

Taob ang Queensland sa powerhouse na Nakhon Ratchasima QminC, 25-10, 25-16, 25-12, ng Thailand para sa winless campaign kaya sigurado na ang PLDT anuman ang resulta ng laban kontra sa Thai club

Samantala, nanguna para sa Taipower kontra sa Petro Gazz sina Wan-Yun Hsu, Yu-Rou Peng at Yu-Chun Tsaina may 18, 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

GAZZ ANGELS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with