Grizzlies pinulbos ng Thunder sa Game 1
OKLAHOMA CITY — Bumanat si Aaron Wiggins ng 21 points habang may 20 markers si Jalen Williams sa 131-80 paglampaso ng Thunder sa Memphis Grizzlies sa Game One ng kanilang first-round Western Conference playoff series.
Humakot si Chet Holmgren ng 19 points at 10 rebounds at may 15 markers si scoring champion Shai Gilgeous-Alexander sa pang-limang pinakamalaking winning margin sa NBA postseason history.
“We played to our identity,” sabi ni Gilgeous-Alexander sa 1-0 lead ng OKC sa kanilang best-of-seven series ng Memphis. “Nothing more, nothing less than that.”
Umiskor si Ja Morant ng 17 points mula sa mahinang 6-for-17 field goal shooting para sa Grizzlies na nakahugot kay Jaren Jackson Jr. ng apat na marka sa kanyang 2-for-13 shooting.
Ang inihulog na 20-0 bomba sa second quarter ang nagbigay sa Thunder ng 55-22 bentahe patungo sa 35-point halftime lead na hindi na napaliit ng Grizzlies sa second half.
Sa Boston, kumana si Derrick White ng 30 points habang may 17 markers si Jayson Tatum sa 103-86 demolisyon ng nagdedepensang Celtics sa Orlando Magic para sa 1-0 series lead.
Sa Cleveland, kumamada si Donovan Mitchell ng 30 points sa 121-100 pagtusok ng Cavaliers sa Miami Heat para sa 1-0 bentahe sa serye.
Sa Houston, bumira si Stephen Curry ng 31 points at may 25 markers si Jimmy Butler sa 95-85 panalo ng Golden State Warriors sa Rockets para sa 1-0 abante.
- Latest