^

PM Sports

Letran, CSB ‘di bibitaw sa itaas

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pareho ang nasa isip ng Letran at ng defen­ding champion College of Saint Benilde--ang manalo upang manatili sa tuktok ng team standings ng NCAA Season 100 women’s volleyball tournament.

Magkasalo sa top spot ang Lady Knights, Lady Blazers, University of Perpetual Help System Dalta at Mapua University ta­ngan ang tig-7-2 karta.

Magsisimula ngayong araw ang second round eliminations kung saan ay makakalaban ng Letran ang San Beda University sa alas-11 ng umaga sa FilOil Arena sa San Juan habang katapat ng Lady Blazers ang Jose Rizal University sa alas-2:30 ng hapon.

Sakaling manalo ang Letran at CSB ay iiwanan nila sa No. 3 at 4 ang Lady Cardinals at Lady Altas.

Kakapitan ng Intramuros-based squad sa opensa sina Marie Judiel Nitura, Gia Marcel Maquilang at Sheena Vanessa Sarie para masilo ang inaasam na panalo.

Maliban kay Wielyn Estorque, huhugot din ng puwersa ang Lady Blazers kina Francis Mycah Go, Clydel Mae Catarig, Zamantha Nolasco at Sophia Margarette Badion para manatili sa unahan.

Pero paniguradong itotodo naman ng Beda ang kanilang lakas upang masilat ang Lady Knights at masakmal ang unang panalo ngayong season.

Nakabaon sa ilalim ang San Beda U, nawalis sila sa first round kaya 0-9 ang kanilang baraha.

Pang-siyam naman ang Lady Bombers pasan ang 1-8 card, kailangan ng mga taga Kalentong na magpanalo sa mga natitirang laro upang makahabol sa magic four.  

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with