Lakers pinulutan ng Timberwolves

LOS ANGELES — Kumolekta si Anthony Edwards ng 22 points, 9 assists at 8 rebounds sa 117-95 dominasyon ng Minnesota Timberwolves sa Lakers sa Game One ng kanilang first-round playoff series.
Umiskor si Jaden McDaniels ng 25 points habang may 23 markers si Naz Reid tampok ang anim na three-pointers para sa 1-0 lead ng Timberwolves sa kanilang best-of-seven duel ng Lakers.
Nagsalpak ang Minnesota ng franchise playoff-record na 21 triples.
Kumamada si Luka Doncic ng 37 points sa panig ng Los Angeles, habang may 19 markers si LeBron James.
Bumira si Doncic ng 16 points sa first period para sa 28-21 abante ng Lakers bago humataw ang Timberwolves ng 38 markers sa second quarter patungo sa kanilang 94-78 kalamangan sa third canto.
Sa Indianapolis, kumolekta si Pascal Siakam ng 25 points at 7 rebounds at tumipa si Tyrese Haliburton ng 10 points at 12 assists sa 117-98 panalo ng Indiana Pacers sa Milwaukee Bucks.
Sa New York, humataw si Jalen Brunson ng 34 points habang iniskor ni Cam Payne ang 11 sa kanyang 14 sa fourth quarter sa 123-112 pagdaig ng Knicks sa Detroit Pistons.
Sa Denver, tinapik ni Russell Westbrook ang isang inbounds pass kay James Harden sa huling 9.6 segundo na sumelyo sa 112-110 overtime win ng Nuggets sa Los Angeles Clippers.
Nagtala si Westbrook ng 15 points, 8 rebounds, 3 assists at 2 steals para sa Denver.
- Latest