^

PM Sports

Eala kakasa naman sa Spain

Chris Co - Pang-masa
Eala kakasa naman sa Spain
Alex Eala.
Al Bello / Getty Images / AFP

MANILA, Philippines —  Tutulak naman si Alex Eala sa Spain bilang bahagi ng paghahanda nito para sa 2025 French Open na papalo na sa susunod na buwan sa Paris, France.

Hindi pinalad ang 19-anyos Pinay netter sa kanyang unang clay tournament sa Lisbon, Portugal.

Lumasap si Eala ng 7-6 (4), 6-4 kabiguan sa kamay ni Hungarian Panna Udvardy sa second round ng 2025 Oeiras Ladies Open singles event.

Bigo rin si Eala sa doubles kung saan kapares nito si American Katie Volynets.

Yumuko sina Eala at Volynets sa Round of 16 kina American duo Christina Rosca at Carmen Corley.

“Thank you Lisbon. Not to be this week, next time maybe,” ayon sa post ni Eala sa kanyang social media.

Move on na agad si Eala dahil sunod itong sasalang sa WTA 1000 tournament sa Madrid, Spain na lalarga mula Abril 21.

Nakalinya pa kay Eala ang WTA 125 sa Vich, Spain sa Abril 28 hanggang Mayo 4, WTA 1000 sa Rome, Italy sa Mayo 5 hanggang 11, at sa WTA 125 sa Parma, Italy sa Mayo 12 hanggang 18.

Pinakamahalagang torneo nito sa clay season ang French Open na lalarga sa Mayo 25 hanggang Hunyo 8.

Ito ang unang pagkaka­taon na maglalaro si Eala sa main draw ng isang Grand Slam event matapos ang ilang bigong pagtatangka sa qualifying rounds.

Kasalukuyan itong nasa ika-72 sa live world rankings na inaasahang aangat pa sa mga susunod na linggo. (Chris Co)

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with