^

PM Sports

NU asahang mas mabagsik sa Final Four

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Desidido ang reigning champion National University na mapanatili ang bagsik nito sa pagpasok ng krusyal na Final Four stage ng UAAP Season 87 women’s volleyball tournament.

May isang nalalabing laro pa ang Lady Bulldogs ngunit nakasisiguro na ito ng twice-to-beat advantage sa Final Four tangan ang 11-2 rekord.

Pasok na sa semis ang Lady Bulldogs tangan ang importanteng bonus na magiging armas nito upang makabalik sa finals.

Subalit ayaw pakampante ng Bulldogs na walang balak magpahinga lalo pa’t mas tumataas na ang lebel ng laro ng lahat ng teams sa pagpasok ng krusyal na estado ng torneo.

Patunay nito ang pag-angat ng ibang teams partikular na ang mga lower teams na nagtatala ng upset win laban sa mga higher ranked teams sa standings.

Isa na rito ang Lady Bulldogs na umani ng kabiguan sa kamay ng Adamson University kamakailan.

Lumasap din ng kabiguan ang De La Salle University sa University of the Philippines para manatiling buhay ang pag-asa ng Fighting Maroons para sa semis spot.

Kaya naman para kay reigning MVP Bella Belen, hindi dapat magkumpiyansa ang Lady Bulldogs sa bawat laro nito.

“Hindi naman po kami hihindi porket nakuha na namin yung twice-to-beat. May last game pa po kami so siguro kailangan pa naming puliduhin kung ano man yung mga lapses namin this game like unnecessary errors,” ani Belen.

Nakuha ng NU ang twice-to-beat matapos pataubin ang Ateneo, 25-19, 25-15, 25-21.

“Kailangan pa namin i-work yung mga errors namin para mas maging pulido ang laro namin against UST. Kahit sino kalaban namin kailangan ibigay namin lahat. Kailangan kami yung nagdi-dictate sa game,” ani Belen.

Umaasa naman si Lady Bulldogs head coach Sherwin Meneses na maging healthy ang kanyang team dahil haharap na ang tropa sa mas matitinding laban sa Final Four.

“Syempre kailangan healthy yung team kasi kapag healthy yung mga players, mas malaki yung chance na makuha yung panalo,” ani Meneses.

Nagtamo ng ankle sprain si opposite hitter Alyssa Solomon kamakailan dahilan para hindi ito makalaro sa dalawang laban ng Lady Bulldogs.

Nakabalik na sa aksyon si Solomon kontra sa Blue Eagles.

 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with