^

PM Sports

Tolentino bumida sa NorthPorth

Russell Cadayona - Pang-masa
Tolentino bumida sa NorthPorth
NorthPort's Arvin Tolentino (10) reacts after a 3-pointer during the Batang Pier's clash with Barangay Ginebra Wednesday evening at the Big Dome.
PBA Images

MANILA, Philippines — Kumolekta si Arvin Tolentino ng 19 points, 12 assists at 8 rebounds para banderahan ang NorthPort sa 97-75 pagbangga sa Terrafirma sa Season 49 PBA Philippine Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Nagdagdag si William Navarro ng 18 markers para sa 1-0 baraha ng Batang Pier habang may 15 at tig-10 points sina Joshua Munzon, Allyn Bulanadi at Sidney Onwubere, ayon sa pagkakasunod.

Lagapak ang Dyip sa ikalawang sunod na kabiguan para sa 1-2 baraha.

Dahil wala na si import Kadeem Jack ay aasa na lamang ang NorthPort kay Tolentino at sa iba pa nilang big men.

“Since kulang nga kami sa size, but still maganda naman iyong mga ibinibigay ng mga off the bench big men namin like Sidney Onwubere and William Navarro and even Abu Tratter,” ani assistant coach Rensy Bajar.

Binanderahan ni rookie CJ Catapusan ang Terrafirma sa kanyang 16 points kasunod ang 15 markers ni Kevin Ferrer.

May tig-10 points sina Louie Sangalang at Brent Paraiso para sa Dyip na naiwanan sa halftime, 38-47, bago tuluyang mabaon sa third period, 58-70.

Nagtuwang sina Munzon, Tolentino, Bulanadi at Navarro sa fourth quarter para iposte ng Batang Pier ang isang 24-point lead, 85-61. sa 5:48 minuto ng final canto.

Lalo pang nabaon ang Terrafirma matapos ang left-handed slam dunk ni Navarro na nagbigay sa NorthPort ng 93-70 abante sa huling 2:09 minuto ng laro.

Samantala, lalaba­nan ng nagdedepensang Meralco ang Phoenix ngayong alas-5 ng hapon sa NAS.

Sa alas-7:30 ng gabi ay magtutuos ang Converge at Blackwater.

ARVIN TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with