Celtics binuhat ni Tatum sa ika-6 dikit
SACRAMENTO, Calif. — Kumolekta si Jayson Tatum ng 25 points, 7 rebounds at 8 assists bago nagkaroon ng right ankle injury sa 113-95 paggupo ng nagdedepensang Boston Celtics sa Kings.
Naglista si Payton Pritchard ng 20 points para sa six-game winning run ng Boston (53-19) habang may 16 at 12 markers sina Kristaps Porzingis at Derrick White, ayon sa pagkakasunod.
Pinamunuan ni Domantas Sabonis ang Sacramento (35-36) sa kanyang 16 points at 17 rebounds at tumipa si DeMar DeRozan ng 20 points at 10 assists.
Nalasap ng six-time All-Star na si Tatum ang ankle injury sa dulo ng third quarter mula sa Flagrant 1 foul ng 6-foot-11 na si Sabonis.
Ipinasok ni Tatum ang isa sa kanyang dalawang free throws bago dinala sa Boston locker room.
Sa Orlando, umiskor si Franz Wagner ng 32 points at may 30 markers si Paolo Banchero sa 118-106 paggiba ng Magic (34-38) sa Los Angeles Lakers (43-28).
Sa Denver, kumamada si Coby White ng 37 points sa 129-119 pagsapaw ng Chicago Bulls (32-40) sa Nuggets (45-28).
Sa Phoenix, isinalpak ni Devin Booker ang isang mid-range jumper sa huling 2.4 segundo sa 108-106 paglusot ng Suns (35-37) sa Milwaukee Bucks (40-31).
- Latest