^

PM Sports

Batang Kanlaon wagi sa Classic Cup

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpasiklab ang seventh choice na Batang Kanlaon matapos nitong sikwatin ang korona sa 2025 Philracom Classic Cup Division II sa Metro Turf, MalvarTanauan City, Batangas noong Linggo.

Nakipagtagisan ng bilis sa unahan ang Batang Kanlaon at nakasama ang bumanderang Secretary, Added Haha at Open Billing sa kaagahan ng karera.

Bandang kalagitnaan ng bakbakan ay nakalamang nang bahagya ang Secretary, pero dinikitan ito ng Batang Kanlaon na sinakyan ni jockey Conrad Henson.

Sa far turn ay kumapit ulit sa Secretary at Batang Kanlaon ang Added Haha at Open Billing.

Paparating sa huling kurbada ay unti-unting kumalas ang Batang Kanlaon kaya pagsungaw ng rekta ay nakaungos na sa Added Haha at Open Billing.

Pagsapit sa rektahan ay pinapakain na ng alikabok ng Batang Kanlaon ang Open Billing at Added Haha.

Umabot sa walong kabayo ang agwat ng Batang Kanlaon sa pumangalawang Added Haha nang tawirin ang meta, tersero ang Open Billing, habang pang-apat dumating ang Winner Parade.

Nilista ng Batang Kanlaon ang tiyempong 1;54 minuto sa 1,800 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Carlo Magno Batalla ang P450,000 premyo.

Nakopo ng Added haha ang P150,000 habang  P75,000 at P37,000 ang naiuwi ng third at fourth placers na Open Billing at Winner Parade, ayon sa pagkakasunod. 

BATANG KANLAON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with