^

PM Sports

Gilas, chinese-Taipei sasabak na sa aksyon

Chris Co - Pang-masa
Gilas, chinese-Taipei sasabak na sa aksyon
Muling sasandigan ni Gilas coach Tim Cone sina June Mar Fajardo at Chris Newsome laban sa Chinese Taipei.
FIBA photo

MANILA, Philippines — Asahan ang mas ma­bag­sik na Gilas Pilipinas sa oras na makasagupa nito ang Chinese-Taipei sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers nga­yong araw sa Taipei Heping Basketball Gymnasium sa Taipei, Taiwan.

Nakatakda ang engkuwentro ng Gilas Pilipinas at Chinese-Taipei sa alas-7 ng gabi.

Target ng Pinoy cagers na maduplika ang 106-53 panalo nito kontra sa Taiwanese noong Pebrero 25, 2024.

Sariwa pa ang Gilas sa kampanya nito sa 2nd Doha Invitational Cup sa Qatar kung saan nagkasya lamang sa ikatlong puwesto ang tropa.

Kaya naman batak na ito bago sumalang sa dalawang laro nito sa final window.

Wala namang bearing ang dalawang laro nito sa qualifiers kontra sa Chinese-Taipei at New Zealand dahil pasok na ang Gilas sa FIBA Asia Cup proper na idaraos sa Agosto sa Jeddah, Saudi Arabia.

Subalit desidido pa rin ang Pinoy squad na makuha ang panalo upang matamis na walisin ang qualifiers.

Kung ma-sweep ng Gilas  ang lahat ng laro nito, magiging maganda ang puwestuhan nito sa FIBA Asia Cup proper.

Naghahanda na ang Gilas kontra sa Chinese-Taipei na kasalukuyan nang hawak ng Italian coach na si Gianlucca Tucci.

Kaya naman inaasahang magiging bago ang sistema nito.

Ipaparada ng Chinese-Taipei si naturalized player Brandon Gilbeck na nagtala ng averages na 11.5 points, 8.5 rebounds at 6.0 blocks.

Maganda rin ang ipinamalas ng Chinese-Taipei laban sa New Zealand noong Nobyembre bago isuko ang 64-81 desisyon.

“They played New Zealand right to the very end but New Zealand broke away in the end,” wika ni Cone.

 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with