Ginebra players nagsasakripisyo
MANILA, Philippines — Ilang Barangay Ginebra players ang naglalaro rin sa Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup Qualifiers 2025.
Kasama sa national team sina import Justin Brownlee, guard Scottie Thompson, center Japeth Aguilar, forward Troy Rosario at guard Jamie Malonzo habang bahagi si LA Tenorio ng coaching staff.
Matapos ang nasabing torneo ay sasagupain ng Gin Kings ang NorthPort Batang Pier sa best-of-seven semifinals series ng Season 49 PBA Commissioner’s Cup.
“It’s definitely an issue, but it’s part of the sacrifice that you make for the national game. We have a responsibility to the country, not only in terms of Gilas, but also to the Ginebra fans and management,” ani Ginebra at Gilas coach Tim Cone.
Magtutuos naman sa isa pang semis showdown ang TNT Tropang Giga at Rain or Shine.
Tanging si shooter Calvin Oftana ang Tropang Giga player na kasama sa Gilas line-up.
Nakatakda ang Game One sa Pebrero 26 sa Smart Araneta Coliseum.
Bukod kina Arvin Tolentino, Joshua Munzon at William Navarro ay magiging problema din ng Gin Kings si Batang Pier import Kadeem Jack.
“Their import Jack fills out a lot of what they need in terms of rebounding, rim protection and the ability to score inside,” wika ni Cone.
Si Tolentino ay dating player ni Cone sa Ginebra.
“Exciting. Siyempre playing against Ginebra mga kumpare ko na rin mga players dun,” wika ni Tolentino. “It’s always fun and exciting time for me going up against them kasi may pinagsamahan din kami.”
- Latest