^

PM Sports

Habla pinakyaw ang Commissioner’s Cup races

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaapaw ang tagumpay ni Horse owner/Breeder Melaine C. Habla noong Linggo sa karerahan ito’y dahil nagpanalo ang kanyang mga kabayo at breed.

Simula pa lang ng karera ay nakopo ng kabayo ni Habla ang titulo sa 2025 PHILRACOM Commissioner’s Cup Division III nang manalong dehado ang Winner Parade na sinakyan ni jockey John Paul Guce.

Naibulsa ni Habla ang P300,000 premyo sa pagkakapanalo ng Winner Parade na lumiyab sa rektahan at tawirin ang meta ng may isang kabayo sa sumegundong La Trouppei.

At dahil si Habla rin ang breeder ng kabayo ay nasikwat din nito ang P25,000 premyo. Ang pumangalawang La Trouppei  ay breed din ng nabanggit na horse owner.

Sa Race 2 ng Commissioner’s Cup Division II ay muling nanalo ang pangarerang kabayo ni Habla na Istulen Ola, mas malaki ang kanyang nasungkit na premyo na P450,000 at breeder’s purse na P37,500.

Nagwagi sa malaking stakes race sa Division I ang Basheirrou, hindi si Habla ang may-ari pero siya naman ang breeder nito kaya hinamig din niya ang P75,000.

Iisa ang trainer ng mga nabanggit na kabayo, ito’y si Ruben S. Tupas.

Si Habla ang may ari ng Big Lagoon na pinarangalan sa Philippine Sportswriters Association Awards Night bilang Horse of the Year.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with