Fun run ng Women’s Run PH sa March 9
MANILA, Philippines — Papagitna ang women’s power sa pagdiriwang ng Women’s Run PH ng International Women’s Month sa pamamagitan ng pagdaraos ng isang fun run sa Marso 9 sa Mall of Asia grounds.
Suportado ng Filipina CEO Circle (FCC), bukas ang nasabing event sa lahat ng gustong sumali pati na sa mga bata sa 1K race at sa mga nais tumakbo sa 5K, 10K at 16K.
Magkakaroon din ng 10K Buddy at 16K Buddy races, ayon kay Women’s Run PH founder Nicole dela Cruz na naging panauhin sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon.
Mula sa target na 5,000 partisipante noong nakaraang taon ay pinalobo nila ito sa 8,000.
“We thought that was very ambitious (5,000 runners), but this year mas ambitious pa kami lalo. And I’m happy to say that we’re already sold out,” wika ni Dela Cruz sa sesyon na itinataguyod ng San Miguel Corporation., Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, Smart/PLDT at ng 24/7 sports app ArenaPlus,
Idinagdag ni Dela Cruz na layunin ng naturang event na bigyan ng pagkakataon ang mga kababaihan na magkaroon ng motivation, inspiration at empowerment sa pamamagitan ng pagtakbo.
“It’s all about women empowerment. And ang event natin is going to be fun and festive,” wika ng Women’s Run PH founder.
- Latest