^

PM Sports

Gilas tututok na sa FIBA ACQ

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sesentro na ang atensiyon ng Gilas Pilipinas sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Tinapos ng Gilas Pilipinas ang kampanya nito sa 2nd Doha Invitational Cup kahapon sa Qatar University Sports and Events Complex sa Doha, Qatar kung saan umani ito ng 55-86 kabiguan sa kamay ng Egypt sa kanilang huling laro.

Sunod na pagtutuunan ng pansin ng Gilas Pilipinas ang pagsabak nito sa dalawang laro sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Una na ang Chinese-Taipei sa Pebrero 20 sa Taipei, Taiwan at ang New Zealand sa Pebrero 23 sa Auckland, New Zealand.

Mainit ang simula ng Gilas Pilipinas na nakipag-gitgitan sa Pharaohs sa opening quarter.

Subalit nagpasabog ng matinding puwersa ang Egypt sa ikalawang kanto kung saan bumanat ito ng 21-7 atake para makalayo ng husto.

Tinampukan ito ng dalawang sunod na three-pointers mula kay Omar Tarek Oraby para makuha ang 39-28 bentahe sa pagtatapos ng first half.

Ito ang naging matibay na pundasyon ng Egypt para makuha ang panalo.

Bumida si naturalized player Justin Brownlee para sa Gilas Pilipinas nang kumana ito ng 18 puntos.

Ngunit wala nang iba pang players ng Gilas Pilipinas ang nagtala ng double digits.

Tanging siyam na puntos ang nagawa ni Carl Tamayo habang may tig-aanim na puntos naman sina Scottie Thompson, Dwight Ramos at AJ Edu.

Dominado ng Egypt ang shaded area matapos makakuha ng 47 rebounds laban sa 32 ng Gilas Pilipinas.

Mayroon ding naikonektang 11 three-poin­ters ang Pharaohs mula sa 32 attempts nito.

Tumapos ang Gilas Pilipinas sa ikatlong puwesto sa final standings ng Doha tournament tangan ang 1-2 rekord.

Naghari ang Egypt na nagtala ng malinis na 3-0 rekord habang puma­ngalawa ang Lebanon na may 2-1 baraha.

Pinakahuli ang host Qatar na walang naipanalo sa kanyang apat na laro.

Nakabalik na sa Maynila ang Gilas Pilipinas kahapon subalit agad itong tutulak patungong Taiwan para sa qualifiers.

Umaasa si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na maraming natutunan ang kanyang bataan sa Doha na madadala nito sa qualifiers.

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with