^

PM Sports

Obiena gold sa Poland

Chris Co - Pang-masa
Obiena gold sa Poland
EJ Obiena

MANILA, Philippines — Matapos ang bigong kampanya sa Istaf Indoor, matikas ang pagresbak ni two-time Olympian EJ Obiena matapos pagharian ang 2025 Orlen Copernicus Cup na ginanap sa Torun, Poland kahapon.

Inilatag ni Obiena ang husay nito upang maitarak ang 5.80 metro na kanyang season best para masiguro ang gintong medalya sa naturang event.

Unang nilundag ni Obiena ang 5.50m kung saan mabilis nitong nakuha ang naturang marka sa kanyang unang attempt pa lamang.

Nilampasan ni Obiena ang 5.60m at agad na tumulak sa 5.70m.

Naging madali ito para kay Obiena na isang pagtatangka lamang ang kanyang ginawa.

Sa kanyang 5.80m jump, dalawang beses sumablay si Obiena.

Kaya naman kinaila­ngan nito na makuha ang tamang kumbinasyon para malampasan ang marka sa kanyang ikatlong attempt.

Sinubukan ni Obiena ang 5.85m subalit bigo ito.

Gayunpaman, sapat na ang 5.80m para masungkit ang gintong medalya.

Pumangalawa lamang si Piotr Lisek ng Poland na may 5.70m na naitala habang pumangatlo si Sondre Guttormsen ng Norway na may parehong marka.

Naungusan ni Lisek si Guttormsen via countback.

Isang attempt lamang ang ginawa ni Lisek sa 5.70m mark kumpara sa dalawang attempts ni Guttormsen.

Magandang resbak ito para kay Obiena na na­bigong depensahan ang kaniyang korona sa Istaf Indoor sa France noong nakaraang linggo.

Sa kabuuan, may dalawang ginto na si Obiena sa season na ito.

Nauna na itong naghari sa Meeting Metz Moselle Athlelor sa France.

Maliban sa dalawang ginto, may isang pilak din si Obiena sa International Springer-Meeting Cottbus noong Enero.

EJ OBIENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with